Home NATIONWIDE Baguio LGU gagastos ng P1.1B taon-taon sa pagpapanatili ng stable na suplay...

Baguio LGU gagastos ng P1.1B taon-taon sa pagpapanatili ng stable na suplay ng langis

75
0

MANILA, Philippines – Sa pagtataya sa mas matindi pang epekto ng giyera sa Middle East ay sinabi nina Mayor Benjamin Magalong at Baguio City Council na nag-adapt sila ng isang economic continuity program ngayong linggo.

Layon ng inisyatibo na siguruhin ang sapat na suplay ng kuryente, tubig at langis, at mas malawak na access sa pagkain at iba pang commodities, protektahan ang maliliit na negosyo, at gumawa ng mga bagong pagkakakitaan sa lungsod habang nagpapatuloy ang krisis.

Anang alkalde, posible kasing humina ang national at local economic activity matapos ang mga pag-atake na inilunsad sa Iran ng Estados Unidos at Israel.

Kabilang sa posibleng maapektuhan ay ang turismo at edukasyon sa Baguio.

“According to the Baguio Tourism Council, (tourist traffic) was down by 40 to 50 percent. And you can feel it by the mere fact that we have light to moderate traffic,” sinabi ni Magalong sa konseho.

“Many of our low-budget hotels and other accommodation facilities, for the first time, have registered zero occupancy,” dagdag pa niya.

Ang resiliency plan ay gagastos ng hanggang P1.1 bilyon taon-taon upang masiguro ang sistema ng suporta sa pagpapatakbo sa lungsod.

Susundin nito ang “first funding, first attention and first protection” principle na gagawing prayoridad ang pangangasiwa sa produktong petrolyo para ibyahe ang mga suplay ng pagkain at garantiyahan ang mass transport.

Sisikapin din aniya ng programa ang paghahanap ng karagdagang food sources. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here