MANILA, Philippines – Walang maswerteng mananaya ang nakapag-uwi ng mga jackpot prize para sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 draws nitong Sabado, Abril 25, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Sa Grand Lotto 6/55, walang nakahula ng winning combination na 41-43-35-15-10-40, na may jackpot prize na P66.01 milyon.
Wala ring nanalo ng P24.66 milyon na jackpot prize sa Lotto 6/42, na may panalong kombinasayon na 26-32-19-01-22-17. RNT/MND