Home NATIONWIDE Easterlies, magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa

Easterlies, magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa

112
0

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang epekto ng easterlies sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa susunod na 24 oras, na magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang lugar, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa 4 a.m. forecast ng PAGASA, makararanas ang Caraga, Eastern Samar, at Southern Leyte ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dulot ng easterlies, na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa kapag lumakas ang ulan.

Sa Batanes naman, inaasahan ang maulap na panahon na may kalat-kalat na ulan at isolated thunderstorms dahil sa frontal system, na may kaparehong panganib ng pagbaha at landslide.

Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms dahil pa rin sa easterlies.

Nagbabala ang PAGASA na ang malalakas na thunderstorm ay maaari pa ring magdulot ng flash floods o landslides.

Batay sa datos ng Science Garden station sa Quezon City, naitala ang pinakamataas na temperatura na 35.5°C alas-2 ng hapon noong Biyernes, habang ang pinakamababa ay 25.9°C alas-5 ng umaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here