Home TOP STORIES 7 utas, higit 20 sugatan sa pambobomba sa Colombia bago halalan

7 utas, higit 20 sugatan sa pambobomba sa Colombia bago halalan

101
0

BOGOTA, Colombia – Pitong sibilyan ang nasawi habang mahigit 20 ang malubhang nasugatan matapos sumabog ang isang bomba sa rehiyong Cauca sa timog-kanlurang Colombia noong Sabado, ayon sa gobernador na si Octavio Guzman.

Sa kanyang pahayag sa X, sinabi niyang “An explosive device was detonated” sa isang kalsada, na nagdulot ng malawakang pinsala at pagkasira ng mga sasakyan sa lugar.

Makikita rin sa mga larawan at video sa social media ang malalaking crater sa kalsada at mga taong sugatan sa insidente. Ayon sa mga saksi, napakalakas ng pagsabog na tumilapon umano sila ilang metro ang layo.

Mula pa noong Biyernes, ilang pag-atake na ang naitala sa Colombia na itinuturong gawa ng mga natitirang armadong grupo mula sa dating FARC, na hindi sumang-ayon sa 2016 peace deal.

May naitalang hiwalay na pagsabog din sa isang military base sa Cali noong Biyernes na ikinasugat ng dalawa katao.

Ayon sa mga awtoridad, layunin umano ng mga armadong grupo na guluhin ang usapang pangkapayapaan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Gustavo Petro.

Ang karahasang ito ay nangyayari ilang linggo bago ang halalan sa Mayo 31, kung saan malaking isyu ang seguridad sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here