Home METRO 34 pasahero sa nasiraang bangka sa Palawan sinagip ng PCG

34 pasahero sa nasiraang bangka sa Palawan sinagip ng PCG

3
0

PALAWAN, Philippines – Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 34 katao matapos masiraan ng makina ang sinasakyan nilang motorized banca sa Taytay Bay, Palawan noong Lunes.

Sakay ng MBCA Kin J-Mar ang mga pasahero at patungo sana sa Barangay Casian sa Taytay upang dalawin ang puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Nakatanggap ng distress call ang Coast Guard Sub-Station Taytay mula sa isang concerned citizen bandang alas-3:30 ng hapon kaya agad silang nagpadala ng search and rescue team.

Natagpuan ng mga rescuer ang bangka bandang alas-4 ng hapon, may 3.7 nautical miles mula sa Port of Taytay, at agad nagsagawa ng towing operations.

Ligtas na naihatid sa Port of Taytay ang bangka at lahat ng 34 na sakay nito bandang alas-4:30 ng hapon, ayon sa PCG. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here