Home NATIONWIDE Pagrebisa sa Oil Deregulation Law, pinabibilis ni Tulfo

Pagrebisa sa Oil Deregulation Law, pinabibilis ni Tulfo

81
0

MANILA, Philippines – “Lugi at kawawa ang taumbayan dito sa umiiral na Oil Deregulation Law.”

Ito ang naging pahayag ni Sen. Erwin Tulfo sa isang panayam tungkol sa walang pakundangang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa sa patuloy na tensyon sa Middle East.

Aniya, “hindi pwedeng kontrolin o diktahan ng gobyerno ang presyo ng langis dahil protektado ito ilalim ng Oil Deregulation Law.”

“Ang masaklap pa, dahil sa batas na yan, tanging pakiusap na lang ang magagawa ng pamahalaan sa mga kumpanya ng langis kapag tumaas ang presyo nito sa pandaigdigang merkado,” dagdag pa ni Sen. Tulfo.

Ayon pa sa mambabatas, “dahil sa mga pangyayaring ito, nag co-author tayo sa inihain ni Sen. Sherwin “Win” Gatchalian na panukalang batas, ang Senate Bill 641 o ‘Institutionalizing Transparency in the Philippine Downstream Oil Industry’ upang balikan at rebyuhin ang RA 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.”

“Gusto namin ni Sen. Win na makita kung magkano ang bili talaga ng mga oil company ng pertrolyo sa abroad, magkano ang gastos nila at magkano ang tubo nila sa bawat litro,” ani Tulfo.

“Pakiramdam nating lahat overpriced ang presyo ng ating petrolyo sa mga gasolinahan natin kaya napapanahon na may batas tayo para ilahad nila magkano ang kinilita ng mga oil companies na ito sa bawat litro ng gasolina o diesel na ibinibenta nila sa atin,” pagdidiin pa ng senador.

Nasa 19th Congress pa lamang, noong siya ay bahagi ng Kamara, nang ihain ni Sen. Tulfo ang House Bill 8898 ang pagrebisa ng Oil Deregulation Law.

Hindi rin lubos maisip ng mambabatas kung papaano at bakit lumusot ang batas na ito noong 1998 gayong talo ang taumbayan sa Oil Deregulation Law na ito.

Matagal na ring hinihingi ng transport sector ang pagbasura ng naturang batas. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here