BATAAN, Philippines – Sa kabila ng mataas na presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG), may ilang Pasaway na iligal na nag-ooperate sa pamamagitan ng Kilala sa tawag na “Pasingaw” at pamemeke ng mga cylinder tank.
Tinatayang aabot sa P4.5 Milyon halaga ng mga tampered (Fake) Liquified Petroleum Gas (LPG) Cylinders (Tanke) ang nasabat ng mga awtoridad, habang arestado ang limang (5) indibidwal sa ikinasang buybust operation ng pulisya at madiskubre ang daan-daang piraso ng mga pekeng Tanke NG LPG sa bakanteng lote sa Barangay Alasasin, Mariveles, Bataan.
Batay sa ulat kay Central luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo ang mga awtoridad sa mismong brand manufacturer hinggil sa umano’y talamak na iligal na bentahan ng mga pekeng LPG products sa isang sales center sa naturang lugar.
Huli sa akto nagbenta ng pekeng LPG tank ang mga suspek sa undercover police at madiskubre at maabutan ng mga awtoridad ang mga naka-imbak na Tanke habang kasalukuyan ang umano ang iligal na refilling operations.
Narekober sa operasyon ang daan-daang piraso ng iba’t-ibang sukat ng mga fake LPG Tank, isang trak na loaded ng mga pekeng tanke, refilling equipment, at mga materyales na gamit sa resealing at repainting na aabot sa halagang P4.5 Milyon.
Mahaharap ang mga naarestong suspek sa patung-patong na kaso. (ROEL TARAYAO / larawan ni Val Leonardo)







