Home TOP STORIES Pope Leo: Mga naglulunsad ng digmaan, “magnanakaw” ng kapayapaan

Pope Leo: Mga naglulunsad ng digmaan, “magnanakaw” ng kapayapaan

88
0

VATICAN – Tinuligsa ni Pope Leo ang mga nagsasagawa ng digmaan at umaabuso sa likas na yaman, na aniya’y parang mga magnanakaw na ninanakaw ang mapayapang kinabukasan ng mundo.

Ginawa niya ang pahayag kasabay ng ika-40 anibersaryo ng Chernobyl disaster, habang ginugunita ito ng Ukraine sa gitna ng patuloy na digmaan laban sa Russia.

Sa kanyang lingguhang Angelus address, sinabi ng Papa na ang trahedya sa Chernobyl ay nagsisilbing babala sa paggamit ng makapangyarihang teknolohiya.

“It remains a warning over the use of ever more powerful technologies,” ani Pope Leo.

“I hope that at all decision-making levels, wisdom and responsibility always prevail, so that atomic power can always be used to support life and peace,” dagdag niya.

Sa pagtalakay sa Ebanghelyo, inihalintulad niya ang mga “magnanakaw” sa iba’t ibang anyo, kabilang ang labis na consumerism, maling paniniwala, at mga taong nagsasamantala sa kalikasan.

“And let’s not forget also those thieves who, by plundering the earth’s resources, by fighting bloody wars or feeding evil in whichever form, are simply taking away from all of us the chance of a future of peace and serenity,” aniya.

Si Pope Leo, ang kauna-unahang Amerikanong Papa, ay naging mas lantad sa kanyang pagtuligsa sa digmaan at awtoritaryanismo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here