Home METRO Residente ng Sulu, arestado sa P19M tobats sa Zamboanga

Residente ng Sulu, arestado sa P19M tobats sa Zamboanga

67
0

ZAMBOANGA, Philippines – Arestado ang isang residente ng Sulu matapos mahulihan ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng PHP19 milyon sa Zamboanga City, ayon sa ulat ng pulisya noong Linggo.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Ben,” taga-Lugus, Sulu, na naaresto sa buy-bust operation bandang 8:40 p.m. noong Sabado sa Nangka Drive, Barangay Baliwasan.

Ayon sa Zamboanga City Police Office, nasamsam sa operasyon ang 2.8 kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa tatlong vacuum-sealed plastic packs, kasama ang marked money at sling bag.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Iniimbestigahan din kung may kaugnayan siya sa tatlong drug suspects na naaresto rin kamakailan sa Zamboanga, kung saan nasamsam ang karagdagang milyon-milyong halaga ng shabu.

Ayon sa ulat, napansin ng mga awtoridad na magkakatulad ang markings na “789” sa mga plastic packs ng droga mula sa mga nasamsam na operasyon, na posibleng indikasyon ng iisang pinagmulan ng iligal na droga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here