Home METRO Top 10 regional drug personality, himas rehas

Top 10 regional drug personality, himas rehas

83
0

CAGAYAN, Philippines — Himas rehas ang tinaguriang Top 10 Regional drug personality sa isinagawang search warrant operasyon ng pulisya sa Brgy. General Batalla, Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Rodney,” 44 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek sa bisa ng search warrant na ipinatupad ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang yunit ng pulisya sa lalawigan ng Cagayan.

Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na limang gramo at may kabuuang halagang umaabot sa ₱34,000.

Kabilang ang mga bakanteng plastic sachet, aluminum foil, lighter, pouch, at isang improvised bamboo sealer.

Pansamantala nasa kustodiya ng Camalaniugan Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here