Home METRO Pamamahagi ng bigas sa Capiz, pangungunahan ni PBBM; mass oath taking ng...

Pamamahagi ng bigas sa Capiz, pangungunahan ni PBBM; mass oath taking ng mga bagong promote na pampublikong guro, sasaksihan

105
0

MANILA, Philippines – Magtutungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lalawigan ng Capiz ngayong umaga para pangunahan ang dalawang aktibidad sa Roxas city.

Kabilang na rito ang pamamahagi ng bigas na gagawin sa Barangay Milibili.

Nitong nakaraang araw ng Huwebes at Biyernes ay pinangunahan din ng Chief Executive ang pamamahagi ng bigas sa Palayan City sa Nueva Ecija at sa Batangas City.

Mula naman sa Barangay Milibili ay didiretso ang Pangulo sa susunod na aktibidad at ito ay ang gagawing pagsaksi sa mass oath taking ng mga bagong promote na public school teachers at mga principal na galing sa ibat- ibang lugar ng Western Visayas.

Gagawin ang akribidad sa Villareal Stadium sa Barangay Tiza Roxas City, Capiz. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here