Home HOME BANNER STORY Naging testimonya ni Trillanes sa House Committee on Justice, nagtutugma sa report...

Naging testimonya ni Trillanes sa House Committee on Justice, nagtutugma sa report ng AMLC – ES Recto

114
0

MANILA, Philippines – Para kay Executive Secretary Ralph Recto nagtutugma ang mga inilahad ni dating Senador Antonio Trillanes sa nilalaman na report ng Anti- Money Laundering Council o AMLC sa Komite ng Kapulungan sa Hustisya sa Kongreso kamakailan.

Ito partikular ang dokumento ng AMLC at sa isiniwalat na impormasyon sa testimonya ni Trillanes hinggil sa mga account, halaga, at bank transactions na iniuugnay kay VP Sara Duterte at sa kanyang asawa.

Sinabi ni Recto, nagmatch o nagtugma ang ulat ng AMLC at isiniwalat na testimonya ng dating Senador.

Magugunitang parehong nabanggit ng AMLC at ni Trillanes ang pagkakaroon ng mga bank account na iniuugnay sa mga isinasangkot na indibidwal habang tumugma rin umano ang mga detalye ng transaksyon—tulad ng petsa, halaga, at daloy ng pera …kung paano ito pumasok at lumabas sa mga account.

Aniya, kung mayruon siyang hindi nalalaman, ito ay ang paratang ng Vice President na may back up ang Malacanang kaya nagsalita sa Kongreso si Trillanes. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here