Home NATIONWIDE Anti-recruitment drive, proteksyon sa kabataan, paiigtingin ng PNP kasunod ng Negros clash

Anti-recruitment drive, proteksyon sa kabataan, paiigtingin ng PNP kasunod ng Negros clash

92
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mas mahigpit na proteksyon para sa kabataan matapos ang pagkamatay ng isang estudyante ng UP Diliman sa engkwentro sa Negros Occidental.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., wala umanong karapat-dapat na estudyante na mapahamak o mawalan ng buhay dahil sa “curiosity at idealism” na maaaring mapagsamantalahan.

Binibigyang-diin ng PNP ang pangangailangang magtulungan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makabuo ng intervention measures upang maiwasan ang pagre-recruit umano ng mga kabataan sa mga armadong grupo.

Ayon kay Nartatez, nagiging mas “subtle” o hindi halata ang recruitment tactics, kabilang ang community immersion at cause-oriented messaging, kaya mas nahihirapan itong matukoy agad.

Bilang tugon, inutusan niya ang mas pinalakas na police visibility sa Negros at iba pang mga itinuturing na high-risk areas, pati na rin ang mas agresibong information campaign sa mga paaralan at barangay laban sa online recruitment at radicalization.

Sinabi rin ng opisyal na makakatulong ang resulta ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights upang masuri at mapabuti pa ang mga polisiya at operasyon ng mga awtoridad.

Patuloy ding binibigyang-diin ng PNP ang papel ng mga magulang at komunidad sa paggabay sa kabataan upang maiwasan ang kanilang pagkalantad sa mga mapanganib na sitwasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here