Home NATIONWIDE Sandiganbanyan nag-closed-door hearing sa hirit na HDO vs Escudero, Ngu 

Sandiganbanyan nag-closed-door hearing sa hirit na HDO vs Escudero, Ngu 

89
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa nitong Lunes ng closed-door hearing ang Sandiganbayan Sixth Division kaugnay sa petisyon ng Ombudsman prosecutors para sa precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Senator Francis Escudero at Maynard Ngu, na iniimbestigahan sa kasong plunder, graft, at iba pang paglabag kaugnay sa flood control controversy.

Bago magsimula ang pagdinig, pinaalis ni Sixth Division Chairperson Sarah Fernandez ang mga hindi principal parties sa loob ng courtroom dahil sa panganib ng “spoilage of evidence” kung magiging bukas sa publiko ang pagdinig.

“At this point, we agreed to exercise prudence. This is not yet a trial, but a preliminary hearing which is confidential at this point,” ani Fernandez.

Tiniyak naman niya na ilalabas sa publiko ang magiging resolusyon ng korte sa hiling ng prosekusyon.

“The resolution will not be kept a secret. It will be shared with everyone,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) undersecretary at state witness Roberto Bernardo na dumaan umano kay Ngu ang 20%, o tinatayang P160 milyon, mula sa humigit-kumulang P800 milyong inserted projects para sa Valenzuela City sa ilalim ng General Appropriations Act.

Ayon kay Bernardo, ang P160 milyon ay “meant for Senator Francis ‘Chiz’ Escudero.”

Inilarawan din ni Bernardo si Ngu bilang “close friend” ni Escudero at sinabing personal niyang dinala ang pera sa tanggapan nito sa Maynila. Sa kanyang affidavit, sinabi rin niyang campaign contributor at malapit na kaalyado ni Escudero si Ngu.

Itinanggi naman ni Ngu ang alegasyong sangkot siya sa umano’y flood control kickbacks. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here