SAN JUAN CITY — Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng San Juan, sa pamumuno ni Mayor Francis Zamora, ang “Ligtas Tigdas” campaign bilang bahagi ng World Immunization Week 2026, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at alinsunod sa Immunization Agenda 2030 ng World Health Organization (WHO).
Layunin ng inisyatiba na mapalawak ang access sa bakuna, palakasin ang tiwala ng publiko sa immunization, at protektahan ang mga bata at iba pang vulnerable sectors sa ilalim ng temang “For Every Generation, Vaccines Work.”








