Home NATIONWIDE Pangmatagalang kooperasyong militar pinagkasunduan ng Russia at North Korea

Pangmatagalang kooperasyong militar pinagkasunduan ng Russia at North Korea

109
0

SEOUL — Sumang-ayon ang Russia at North Korea na palalimin ang “long-term” o pangmatagalang kooperasyong militar, ayon sa Russian defense ministry, kasunod ng pagbisita ng matataas na opisyal militar ng Moscow sa Pyongyang at pakikipagpulong sa liderato ng North Korea.

Nakipagpulong si Russian Defense Minister Andrey Belousov kay North Korean leader Kim Jong Un at Defense Minister No Kwang Chol noong Linggo. Sa naturang pagbisita, sinabi ni Belousov, “We agreed with the DPRK Defence Ministry to place our military cooperation on a stable, long-term footing,” at idinagdag na nakatakdang “to sign a plan this year for Russian–Korean military cooperation for the period of 2027–2031.”

Nagaganap ito habang patuloy na nagpapadala ang North Korea ng libu-libong sundalo, pati na rin mga missile at munitions, bilang suporta sa digmaan ng Russia sa Ukraine. Kapalit nito, ayon sa mga analyst, tumatanggap ang Pyongyang ng financial aid, pagkain, enerhiya, at military technology na nakatutulong upang makaiwas sa matitinding international sanctions dahil sa ipinagbabawal nitong nuclear weapons program.

Noong 2024, lumagda ang dalawang bansa sa isang military treaty na nag-aatas sa magkabilang panig na magbigay ng tulong militar “without delay” sakaling atakihin ang isa sa kanila. Ayon sa Moscow, may mga tropa rin ng North Korea na ipinadala sa western Kursk region ng Russia upang tumulong sa paglaban sa mga opensiba ng Ukraine.

Bumisita rin si Russian parliamentary speaker Vyacheslav Volodin kay Kim Jong Un at nagpasalamat sa papel ng mga sundalong North Korean sa “the liberation of Kursk.” Ayon sa kanya, “Korean soldiers fought shoulder to shoulder with our soldiers and officers, liberating Russian soil from the Ukrainian Nazis,” habang iginawad din ni Belousov ang mga parangal militar sa mga tropang North Korean na sangkot sa operasyon.

Tinatayang nasa 2,000 North Korean soldiers na ang nasawi sa digmaan, ayon sa Seoul. Samantala, hawak ngayon ng mga awtoridad ng Ukraine ang dalawang nahuling sundalong North Korean, habang lumalabas sa mga ulat na inuutusan umano ang kanilang mga tropa na magpakamatay kaysa mahuli nang buhay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here