Home METRO “Ligtas Tigdas” campaign inilunsad sa San Juan City

“Ligtas Tigdas” campaign inilunsad sa San Juan City

131
0
(c) Danny Querubin

SAN JUAN CITY — Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng San Juan, sa pamumuno ni Mayor Francis Zamora, ang “Ligtas Tigdas” campaign bilang bahagi ng World Immunization Week 2026, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at alinsunod sa Immunization Agenda 2030 ng World Health Organization (WHO).

Layunin ng inisyatiba na mapalawak ang access sa bakuna, palakasin ang tiwala ng publiko sa immunization, at protektahan ang mga bata at iba pang vulnerable sectors sa ilalim ng temang “For Every Generation, Vaccines Work.”

(c) Danny Querubin

Sa aktibidad, makikitang pumila ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak upang makakuha ng libreng bakuna.

Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan upang mapalakas ang immunization coverage at maiwasan ang mga sakit na maaaring mapigilan sa pamamagitan ng bakuna.

— Danny Querubin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here