Home NATIONWIDE CHR probe sa NegOcc clash, iginagalang ng Malakanyang

CHR probe sa NegOcc clash, iginagalang ng Malakanyang

88
0

MANILA, Philippines – SUPORTADO ng gobyerno ang pagsisikap na imbestigahan ang serye ng labanan sa pagitan ng government troops at diumano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Toboso, Negros Occidental, na nagresulta ng pagkasawi ng 19 na katao.

“Ayon sa AFP, legitimate military operation ang naganap, at ang sabi rin ni (AFP Chief) General Brawner, sila ay armado,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang.

“Magpapaimbestiga sila sa Commission on Human Rights, hindi naman pipigilan para malaman ang katotohanan dito,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, dalawang mamamayan ng Estados Unidos ang kabilang sa 19 na nasawi sa isang operasyon laban sa umano’y kuta ng mga rebeldeng grupo sa Negros Occidental.

At nang tanungin si Castro hinggil sa direktiba ni Pangulong Marcos sa isinagawang pagpupulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Committee on the government’s fight against communist insurgency noong nakaraang linggo, sinabi ni Castro na ang kautusan ng Pangulo ay ipagpatuloy ang paglaban sa mga terorista at mga komunista.

“Dapat labanan ang terorismo, dapat labanan ang komunismo. Iyong mga maaaring nanggugulo sa ating bayan. So, iyon lamang, basta dapat legal ang ginagawa,” aniya pa rin.

Sa nasabing miting, inendorso ng NTF-ELCAC Executive Committee ang mga mahahalagang policy directions upang tiyakin ang mas “responsive governance” sa national at local levels.

Kabilang sa mga rekomendasyon ay ang panukalang extension ng Amnesty Program, pag-prayoridad sa mahahalagang batas, pagpapalawak sa development funding, at paghusay sa Task Force mechanisms upang masiguro ang mas “responsive governance” sa national at local levels. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here