Home METRO 10 Tsino arestado sa P800M puslit na sigarilyo

10 Tsino arestado sa P800M puslit na sigarilyo

147
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang halos ₱800 milyong halaga ng hinihinalang ilegal na sigarilyo at naaresto ang 10 Chinese nationals sa magkakahiwalay na operasyon sa Negros Occidental, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Lunes.

Ayon kay CIDG spokesperson Police Maj. Helen dela Cruz, isinagawa ang operasyon mula Abril 21 hanggang 22 sa Bogo City at Bacolod City.

“Ang atin pong operation resulted in the arrest of 10 Chinese nationals. Mayroon pa rin tayong at-large suspects na under ongoing investigation at hinahanap ang kanilang whereabouts,” pahayag ni Cruz.

“Na-rescue rin po natin ang 15 Filipino workers. Sila po ay alleged victims of trafficking in persons,” dagdag niya.

Ayon sa CIDG, ang operasyon ay bunsod ng mission orders mula sa National Tobacco Administration.

Posibleng maharap sa kaso ang mga naarestong Chinese nationals dahil sa paglabag sa tax at customs laws, gayundin sa immigration regulations, habang patuloy na tinutugis ang iba pang suspek na nananatiling at-large. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here