Manila, Philippines – Kinabog ni Bea Alonzo ang ibang mga sikat na artista na um-attend sa isang beauty-skin care clinic event.
Agaw-eksena talaga ang aktres.
Napansin kasi ng mga netizens na may mga bodyguards si Bea na umaalalay sa kanya sa event, habang walang nakitang bodyguards na nakabantay kina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Judy Ann Santos at Heart Evangelista.
Sey ng isang netizen, “Queen Bea, may bodyguard.”
Feeling naman ng ibang mga netizens, baka ngayon pa lang ay pinababantayan na nang maigi si Bea ni Vincent Co for whatever reason.
Pero tsika naman ng isang netizen, “Baka makunan daw.”
May alingasngas kasi na buntis na raw si Bea kaya may pa-security sa kanya sa isang event na dinaluhan niya.
Inusisa rin ng ilang media people ang manager ni Bea na si Shirley Kuan kung totoong buntis nga ang aktres.
Pero gaya ng marami, kahit si Shirley ay walang alam sa tunay na kondisyon ng kanyang alaga. Pati na sa kasal ni Bea ay very limited din ang alam nito.
Hindi niya alam kung sinu-sino ang mga kinuhang ninong at ninang sa magiging kasal nina Bea at Vincent. Rommel Placente