Home METRO Lider ng rebelde, 4 kasabwat nasakote ng PNP sa NegOcc

Lider ng rebelde, 4 kasabwat nasakote ng PNP sa NegOcc

89
0

NEGROS OCCIDENTAL — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes ang pag-aresto sa isang pinaghihinalaang lider ng communist rebel group at apat pang indibidwal sa Talisay, Negros Occidental, kasunod ng isang operasyon na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng mga baril, bala, at pampasabog.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño, isinilbi noong Abril 22 ang arrest warrant laban sa naturang lider para sa kasong attempted murder. “Siya po ay may warrant na sinerve na attempted murder,” ani Tuaño, at idinagdag na apat pang indibidwal ang naaresto sa parehong operasyon.

Hindi isiniwalat ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng limang inaresto.

Ang mga pag-aresto ay kasunod ng ulat ng militar na 19 umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentro sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19.

Kabilang sa mga naiulat na nasawi sina University of the Philippines-Diliman student leader Alyssa Alano at journalist RJ Nichole Ledesma.

Mariing itinanggi ng Philippine Army na may mga sibilyang nasawi sa naturang insidente. “Ano ang ginagawa ng mga sinasabi nilang journalist, social workers, faculty members, spokesperson ng mga progresibong grupo sa loob ng encounter site na may mga bitbit na baril at nakikipagbarilan sa ating mga sundalo?” pahayag ni Philippine Army spokesperson Colonel Louie Dema-ala, at idinagdag na “Yan ang tanong ko sa kanila,” at iginiit na kumilos ang mga sundalo alinsunod sa International Humanitarian Law.

Gayunman, iginiit ng NPA’s Apolinario Gatmaitan Command na mali ang bersyon ng militar, at sinabing iilan lamang sa mga napatay ang mga armadong rebelde habang ang iba ay mga sibilyan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here