MANILA, Philippines – Magkakaloob ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga manggagawa sa Mayo 1 bilang pakikiisa sa paggunita ng Labor Day, ayon sa anunsyo ng pamunuan ng tren nitong Martes.
Sa abiso ng MRT-3, maaaring mag-avail ng libreng sakay ang mga manggagawa mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi, sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang company ID.
Kasabay nito, magpapatupad din ng kaparehong libreng sakay ang LRT-2 sa parehong oras sa Araw ng Paggawa.
Matatandaang nagpapatuloy din ang 50 porsyentong diskwento sa pamasahe ng dalawang tren para sa lahat ng pasahero mula pa noong Marso 23, 2026. Santi Celario