Home METRO P2.1M tobats nakumpiska sa babaeng tulak sa Quezon

P2.1M tobats nakumpiska sa babaeng tulak sa Quezon

114
0

QUEZON, Philippines – Arestado ang isang High Value Individual na babae matapos na makumpiskahan ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng Php 2.1 Million sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na elemento ng Lucena Component City Police Station at Quezon Maritime Police Station kagabi sa Purok 3 Barangay Barra sa lungsod ng Lucena, Quezon.

Ang suspek na pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002) na nakilala sa alyas Charis, nasa hustong gulang residente ng nabanggit na lalawigan.

Base sa report ni PCol Romulo A. Albacea Provincial Director ng Quezon Polioce Provincial Office kay PBGen Hansel M. Marantan Regional Director ng PRO4 CALABARZON dakong alas- 6: 50 kagabi (April 27,2026) nang magsagawa ng Anti-drug buy-bust operation ang mga awtoridad sa pamamagitan ng isang nagpanggap na posuer buyer kung saan kaagad na inaresto ang suspek.

Nakumpiskahan ang suspek ng anim (6) na heatsealed transparent plastic sachet  at isang  (1) plastic bag na pawang naglalaman ng mga hinihinalang Shabu na may kabuuang timbang na 120.3 gramo at may street value na Php 2,154,120.00 bukod dito nabawi din sa suspek ang  ginamit na buy-bust marked money.

“Hindi kami magsasawa sa pagpapaalala na ang laban kontra droga ay responsibilidad ng lahat, sa tulong ng komunidad mas mapapabilis natin ang pagkami ng isang ligtas at maayos na lugar ,Pinupuri ko ang Lucena Component City Police Station at Quezon Maritime Police Station sa kanilang maayos at matagumpay na operasyon patunay ito ng kanilang dedikasyon sa tungkulin at malasakit sa kapwa ” Ayon kay PCol Romulo A.  Albacea. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here