Home METRO Amerikano, arestado sa NAIA dahil sa dalang marijuana kush

Amerikano, arestado sa NAIA dahil sa dalang marijuana kush

109
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 48-anyos na Amerikano matapos mahulihan ng umano’y marijuana kush sa kanyang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport noong Lunes, Abril 27.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, ang suspek na kinilalang si alias “Jermaine,” isang IT contractor ng US government, ay paalis sana patungong Singapore nang maharang sa final screening sa NAIA Terminal 3 bandang 6:50 a.m.

Natuklasan sa kanyang backpack ang humigit-kumulang 4 gramo ng hinihinalang marijuana kush na tinatayang nagkakahalaga ng P6,000, kasama ang drug paraphernalia tulad ng improvised pipe at lighter.

Nakita rin sa kanya ang American passport, boarding pass, cellphone, at iba pang ID at dokumento.

Sasampahan siya ng kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa PDEA, patuloy nilang paiigtingin ang airport interdiction upang maiwasan ang pagpasok at paglabas ng ilegal na droga sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here