Home TOP STORIES Bacoor Mayor Strike Revilla, pinangunahan DTI seminar sa costing at pricing

Bacoor Mayor Strike Revilla, pinangunahan DTI seminar sa costing at pricing

81
0

Bacoor City — Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor sa ilalim ni Mayor Strike B. REVILLA (nasa larawan) ang isang seminar katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) na may temang “Simplifying Costing and Pricing for Business Success” na ginanap sa Revilla Hall nitong Abril 28.

Dinaluhan ito ng mga TESDA graduates at mga aspiring entrepreneurs na nais mapalakas ang kanilang kaalaman sa tamang pamamalakad ng negosyo. Pinangasiwaan ang programa ng City Livelihood and Development Department sa pamumuno ni Ms. Carmelita Gawaran, kasama ang mga resource speaker at facilitators mula sa DTI at DSWD.

Tinalakay sa seminar ang tamang pagkuwenta ng puhunan, wastong pagpepresyo ng produkto, at pag-iwas sa maling diskarte gaya ng underpricing na kadalasang nagiging sanhi ng pagkalugi.

Ayon kay Mayor Revilla, mahalaga ang kaalaman sa costing at pricing upang maging matagumpay ang negosyo.

“Hindi sapat na masipag ka lang sa negosyo—kailangan marunong ka ring magpresyo. Dahil kung mali ang presyo mo, kahit malakas ang benta, baka wala ka pa ring kita,” ani Revilla.

Nagpasalamat naman ang mga kalahok sa praktikal at madaling maintindihang kaalaman na kanilang natutunan, na inaasahang makakatulong sa pagbuo ng mas matibay at pangmatagalang kabuhayan.

Patuloy ang Lungsod ng Bacoor sa pagbibigay ng kaalaman at oportunidad upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Bacooreño.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here