Home HOME BANNER STORY Rotational brownouts sa kakapusan ng diesel, ibinabala ng Napocor

Rotational brownouts sa kakapusan ng diesel, ibinabala ng Napocor

79
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang National Power Corporation (Napocor) sa posibleng rotational brownouts sa mga off-grid na lugar dahil sa kakulangan ng suplay ng diesel ng ilang power producers.

Sa isang ulat, sinabi ni Napocor President Jericho Nograles na ang mga apektadong lugar ay yaong saklaw ng Small Power Utilities Group (SPUG) ng ahensya, na tumutukoy sa mga malalayong isla at komunidad na hindi konektado sa main power grid.

Umaasa ang mga lugar na ito sa mga diesel power plant para sa suplay ng kuryente, ngunit ayon sa opisyal, nahihirapan ang ilang operator dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel, na nakaapekto sa tuloy-tuloy na operasyon.

Sinabi ni Nograles na maaaring magpatupad ng rotational brownouts kung magpapatuloy ang limitadong suplay. Gayunman, tiniyak niya na nananatiling sapat ang suplay ng kuryente sa ibang bahagi ng bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here