COTABATO CITY – Arestado ang isang babae matapos makuhanan ng PHP3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Marawi City noong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) nitong Martes.
Kinilala ni PDEA-BARMM Regional Director Edgar Jubay ang suspek na si alyas “Jonairah,” 39 anyos, residente ng Barangay Pangao Saduc, na itinuturing na high-value target.
Ayon kay Jubay, nahuli ang suspek matapos umanong magbenta ng kalahating kilo ng hinihinalang shabu sa isang undercover agent sa 4 p.m. na operasyon.
“The suspect did not resist arrest,” ayon sa ulat.
Isinagawa ang operasyon ng PDEA Lanao del Sur provincial office sa tulong ng Army’s 4th Mechanized Battalion, Task Force Marawi, at Marawi City Police Office.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. Mary Anne Sapico