Home METRO 7 sugatan, 16 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Pateros

7 sugatan, 16 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Pateros

139
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 16 pamilya ang nawalan ng tirahan habang pito ang nasugatan matapos ang sunog na sumiklab madaling-araw sa Alley 16, Barangay Sta. Ana, Pateros nitong Miyerkules.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, tinupok ng apoy ang hindi bababa sa apat na bahay at umabot sa unang alarma bago tuluyang naapula bandang alas-12:47 ng madaling-araw.

Ayon sa isa sa mga biktima, hindi na nila nailigtas ang kanilang mga gamit dahil mabilis na kumalat ang apoy.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here