MANILA, Philippines – Patay ang isang bagong laya na suspek habang sugatan ang isang pulis matapos mauwi sa engkwentro ang follow-up operation sa Pasay City noong gabi ng Abril 28.
Kinilala ang suspek na si Jet Mark Velasco, 28-anyos, residente ng Barangay 61, na agad na nasawi dahil sa maraming tama ng bala.







