Home METRO 7,615 ‘pasaway’ huli sa NCR sa 24 oras

7,615 ‘pasaway’ huli sa NCR sa 24 oras

70
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 7,615 paglabag sa mga lokal na ordinansa ang naitala sa Metro Manila sa loob lamang ng 24 oras na pinaigting na operasyon ng pagpapatupad ng batas, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Miyerkules.

Isinagawa ang operasyon mula 12:01 a.m. hanggang 11:59 p.m. noong Abril 28, 2026.

“The operation was from 12:01 a.m. to 11:59 p.m. on April 28, 2026. The heightened police visibility and coordinated efforts on the ground are part of a broader campaign to instill discipline, deter offenses, and ensure safer and more orderly public spaces,” sabi ni NCRPO chief PMGen Anthony Aberin.

Pinakamarami sa naitalang paglabag ay sa traffic rules na umabot sa 3,715 kaso, kasunod ang 2,080 insidente ng pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar. Naitala rin ang 417 menor de edad na lumabag sa curfew, at 327 indibidwal na nahuling walang pang-itaas sa lansangan.

Kabilang din sa mga paglabag ang 271 kaso ng illegal structures at road obstructions na agad tinanggal, 254 insidente ng pag-ihi sa pampubliko, pagtatapon ng basura, at littering, at 12 kaso ng paggamit ng karaoke lampas sa itinakdang oras. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here