Home NATIONWIDE Dagdag P1,000 sa honorarium ng mga guro sa Bangsamoro poll, inianunsyo ng...

Dagdag P1,000 sa honorarium ng mga guro sa Bangsamoro poll, inianunsyo ng Comelec

83
0

MANILA, Philippines – Magdaragdag ang Commission on Elections (Comelec) ng tig-isang libong pisong honorarium para sa mga guro na magsisilbi sa darating na Bangsamoro Parliamentary Elections.

Aabot sa humigit-kumulang tatlong libong piso ang karagdagang matatanggap ng mga Electoral Board Members, Department of Education Supervisor Officials (DESO), at support staff, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Sinabi ni Garcia na layunin ng dagdag-honorarium na makatulong sa gastusin ng mga poll worker, lalo na sa pamasahe at pagkain.

Saklaw ng dagdag-bayad ang lahat ng personnel na maglilingkod sa halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here