MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Senador Jinggoy Estrada na walang basehan ang akusasyon ni dating Public Works And Highways District Engineer Roberto Bernardo na nakakuha siya ng kickback sa ilang ghost projects sa Bulacan.
Sa pahayag, sinabi ni Estrada na anumang alegasyon na iniuugnay sa kanya hinggil sa kuwestiyonableng flood control project ay walang basehan base sa opisyal na records ng Senado na wala siyang insertion sa 2025 budget of the Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aniya, nakita ng Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) ng Senado na nagkokompirma na hindi siya naghain ng anumang amendments o additional budget sa DPWH.
“From the very beginning, when this controversy surrounding the alleged questionable flood control projects surfaced, I have been consistent—and have repeatedly maintained—that the accusations against me are baseless, reckless, and utterly unsupported by any credible evidence,” ani Estrada.
Iginiit pa ng senador na dating kinasuhan at nakulong sa PDAF scandal, na aktibo siyang lumalahok sa imbestigasyon ng senado dahil tinutupad lamang niya ang kanyang tungkulin sa Saligang Batas.
“I know, without any doubt, that my conscience is clear. Ginampanan ko lamang ang aking tungkulin bilang senador, alinsunod sa Konstitusyon—na busisiin ang pambansang badyet at maglatag ng mga mungkahi sa pag-amyenda ng ilang probisyon na, sa aking pananaw, ay nararapat at naaayon sa kapakanan at interes ng ating mga kababayan,” ani Estrada.
Iginiit pa ng senador na sinusuportahan ng opisyal na recores ang kanyang posisyon.
“The official records of the Senate’s Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) clearly affirm that no insertions were made on my part in the DPWH 2025 budget. This is on record. This is the truth. Hindi ako natitinag sa aking paninindigan para sa transparency at accountability—lalo na sa pagtupad ko sa aking tungkulin bilang lingkod-bayan,” ani Estrada.
“Gayunpaman, nakahanda akong harapin at pabulaanan ang lahat ng maling paratang na pilit na ipinupukol laban sa akin. Hindi ko hahayaang dungisan ang aking pangalan sa pamamagitan ng mga mali, mapanirang-puri, at malisyosong pahayag. ” dagdag ni Estrada.
Samantala, tiniyak naman ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, chairman ng Blue Ribbon Committee na nag-imbestiga sa flood control anomalies, na nagpapahayag lamang ng pangyayari ang Senate budget office sa isinumite sa Office of the Ombudsman.
Aniya, hindi isiningit ni Estrada ang pondo sa flood control project sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
“Rather, it was part of the controversial P142B insertions allegedly made by then SP (Senate President) Escudero during his November 2024 small group bicam visit to the [House of Representatives],” ani Lacson.
“Sen. Estrada’s name cropped up when former Usec Bernardo alleged in his testimony before the BRC hearings to have caused the delivery of kickbacks or commissions to Sen Estrada.” Ani [pa ni Lacson. Ernie Reyes