MANILA, Philippines – Ipinangako ni Candoni, Negros Occidental Mayor Ray Ruiz na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang sa isang 13-anyos na dalagita na natagpuang patay sa Barangay Poblacion West nitong linggo.
Ang biktima na kinilalang si Rica Grace Simple, residente ng Barangay Haba, Candoni, ay natagpuang walang buhay sa isang tubuhan noong Abril 27 na may sugat sa noo, isang araw matapos hindi na makauwi mula sa inutos na lakad ng kanyang ina noong Abril 26.
Inatasan ni Mayor Ruiz ang Candoni Municipal Police Station na magsagawa ng masusing at agarang imbestigasyon sa insidente.







