Home METRO Alkalde nangakong tutugisin salarin sa pinaslang na 13-anyos sa tubuhan

Alkalde nangakong tutugisin salarin sa pinaslang na 13-anyos sa tubuhan

277
0

MANILA, Philippines – Ipinangako ni Candoni, Negros Occidental Mayor Ray Ruiz na mabibigyan ng hustisya ang pagpaslang sa isang 13-anyos na dalagita na natagpuang patay sa Barangay Poblacion West nitong linggo.

Ang biktima na kinilalang si Rica Grace Simple, residente ng Barangay Haba, Candoni, ay natagpuang walang buhay sa isang tubuhan noong Abril 27 na may sugat sa noo, isang araw matapos hindi na makauwi mula sa inutos na lakad ng kanyang ina noong Abril 26.

Inatasan ni Mayor Ruiz ang Candoni Municipal Police Station na magsagawa ng masusing at agarang imbestigasyon sa insidente.

“We strongly condemned this brutal act,” ani Ruiz, at idinagdag na “The loss of a child is a pain no family and no community should ever bear. Justice will be served.”

Ayon sa alkalde, hinihintay pa ang resulta ng autopsy upang matukoy ang buong pangyayari at maging gabay sa susunod na hakbang ng imbestigasyon.

“This is not merely the loss of a life; it is the unjust loss of a future filled with promise,” dagdag pa niya.

Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pamilya ng biktima at tiniyak ang tulong pinansyal at welfare assistance mula sa lokal na pamahalaan.

Nanawagan din ang alkalde sa publiko na manatiling kalmado at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon sa social media, at hinikayat ang sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here