Home TOP STORIES Press freedom bumagsak sa pinakamababang antas sa 25 taon

Press freedom bumagsak sa pinakamababang antas sa 25 taon

100
0

PARIS, France – Nagbabala ang Reporters Without Borders (RSF) na bumaba na sa pinakamababang antas sa loob ng 25 taon ang kalayaan sa pamamahayag sa buong mundo.

Ayon sa RSF, kabilang sa mga dahilan ang “systematic” na pag-atake sa mga mamamahayag ni US President Donald Trump at ang kaso sa Saudi Arabia kung saan isang journalist ang pinatay noong 2025.

“For the first time in the (RSF) Index’s 25-year history, more than half the world’s countries now fall into the ‘difficult’ or ‘very serious’ categories for press freedom,” ayon sa ulat.

“The average score for all countries and territories worldwide has never been so low,” dagdag nito.

Ayon pa sa RSF, bumaba rin nang husto ang bilang ng populasyon na nakatira sa mga bansang may “good” press freedom, mula 20% ay naging mas mababa pa sa 1%.

Tanging pitong bansa sa Northern Europe, na pinangungunahan ng Norway, ang nasa kategoryang may magandang kalagayan ng press freedom.

Sa Estados Unidos, bumaba pa ito sa ika-64 na puwesto matapos ang dating pagbaba noong 2024. Kabilang sa mga isyung binanggit ang pag-atake sa media, pagkakakulong at pagpapatalsik sa Salvadoran journalist na si Mario Guevara, at pagbawas sa pondo ng US international broadcasting.

“Vladimir Putin’s Russia (172nd) has become a specialist in using laws designed to combat terrorism, separatism and extremism to restrict press freedom,” ayon pa sa RSF, at sinabing may 48 journalist na nakakulong doon as of April 2026.

Pinakamalaking pagbagsak naman ang naitala sa Niger, na bumaba ng 37 puwesto, dahil sa karahasan ng mga armadong grupo at mga junta na humahadlang sa malayang pamamahayag sa Sahel region. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here