Home NATIONWIDE 2 bebot timbog sa operasyon ng beauty clinic na walang lisensya

2 bebot timbog sa operasyon ng beauty clinic na walang lisensya

49
0

MANILA, Philippines – Dalawang babae ang naaresto sa pagpapatakbo ng hindi lisensyadong beauty clinic sa Isabela, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Huwebes, Abril 30.

Ang mga suspek ay inaresto matapos magbigay sa poseur-client ng ilang injection ng maliit na doses para sa botox at glutathione sa kanilang clinic sa Barangay District 1, Cauayan City noong Abril 22, ayon kay CIDG spokesperson Maj. Helen dela Cruz.

Tinukoy niya ang dalawang naarestong indibidwal sa alyas na “Maya” at “Minda.”

“The suspects failed to present any license or legal authority to perform said medical procedures… No valid certificate of registration has been issued to them by the Board of Medical Examiners,” paliwanag ni dela Cruz.

Ang operasyon ay nag-ugat sa reklamo noong Abril mula sa kanilang mga kliyente na nanghinala nang ang dalawang suspek ay hindi lisensyadong doktor.

Dalawang taon na umanong pinatatakbo ng mga suspek ang clinic at nag-aalok ng glutathione treatments sa halagang tig-P15,000 at botox treatments tig-P3,500.

Narekober ng mga awtoridad sa mga suspek ang hindi tukoy na bilang ng vials ng clostridium botulinum toxin type A; mga bote ng Aqua Skin Puregold EGK Ultra; syringes, scalp vein set, saline solution at iba pang medical paraphernalia.

“The FDA [Food and Drug Administration] is checking the substances. We suspect the substances were adulterated,” ayon kay dela Cruz.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 2382 o Medical Act; at RA No. 9711 o FDA Act. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here