Home NATIONWIDE Ruling ng SC sa ‘forthwith’ pinuri ng dating impeachment court spox

Ruling ng SC sa ‘forthwith’ pinuri ng dating impeachment court spox

78
0

MANILA, Philippines – Pinuri ng dating tagapagsalita ng Senate impeachment court na si Atty. Regie Tongol ang desisyon ng Korte Suprema na naglinaw sa kahulugan ng salitang “forthwith” sa impeachment proceedings.

Ayon kay Tongol, ang interpretasyon ng Supreme Court na ang “forthwith” ay nangangahulugang “within a reasonable time” ay nagsilbing pagbibigay-katwiran sa naging hakbang ng Senado noong 2025.

“The Supreme Court’s near-unanimous decision proves that under the leadership of then-Senate President Chiz Escudero, the Senate was right to choose constitutional prudence over reckless haste,” ani Tongol.

Dagdag pa niya, ang ruling ay hindi lamang tagumpay ng Senado kundi isang panalo rin para sa “constitutional stability.”

Matatandaang umani ng batikos si Escudero matapos itakda ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa panahong kinuwestiyon ng ilan bilang hindi agad-agad o “forthwith.”

Noong Pebrero 2025, ini-impeach ng Kamara si Duterte, habang Hunyo 10, 2025 naman nang mag-convene ang Senado bilang impeachment court mahigit isang buwan matapos ang midterm elections.

Nauna nang sinabi ni Escudero na ang aktuwal na paglilitis ay maipapasa na sa 20th Congress, alinsunod sa mga umiiral na patakaran at precedent.

Sa ilalim ng Konstitusyon, nakasaad na dapat “forthwith” magtipon ang Senado bilang impeachment court matapos matanggap ang articles of impeachment mula sa Kamara.

Noong Hulyo 2025, naglabas ng unanimous ruling ang Korte Suprema na nagsasabing labag sa Konstitusyon ang impeachment laban kay Duterte.

Pagsapit ng Agosto 2025, ibinasura o in-archive ng Senate impeachment court sa ilalim ng 20th Congress ang naturang reklamo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here