MANILA, Philippines -KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahalagang ambag at sakripisyo ng bawat miyembro ng mga manggagawang Filipino ngayong Araw ng Paggawa.
“Today, we honor every member of our workforce whose hands carry the weight of our shared future-whether at sunrise, beneath the noonday heat, or in the long hours when the nation sleeps,” bahagi ng mensahe ng Pangulo.
Binigyang-diin din ng Pangulo ang mahalagang ambag at sakripisyo ng mga manggagawa sa pag-unlad ng bansa.
“Even as technology advances and industries transform, one truth endures: it is the Filipino worker who drives the Philippines forward and keeps the world in motion,” ani Pangulong Marcos.
“Through your grit and sacrifice, families find stability, and the country finds strength,” aniya pa rin.
“You are, and will always be, the backbone of our Republic,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Kaya nga aniya, sa araw na ito dapat na mas higit sa pagdiriwang ang gawin ng bawat filipino. Kailangan aniya na muling pagtibayin ang commitment kapuwa ng gobyerno at ng pribadong sektor para makapagtaguyod ng bansa kung saan ginagantimpalaan ang ‘hard work’ at ang oportunidad ay totoo.
“Together, let us fulfill this promise by fostering an environment that respects honest labor, safeguards livelihoods, and ensures that progress is accessible to ordinary families,” ang winika ng Pangulo.
Muli rin niyang pinagtibay ang pangako ng administrasyon na pangalagaan ang dignidad ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng mas marami at mas maayos na trabaho, pagpapatibay ng proteksyon sa mga manggagawa, at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa lahat tungo sa mas maunlad na #BagongPilipinas.
“As we face changing economic pressures, rest assured that this administration stands firm in defending the dignity of every Filipino by creating more and better jobs, boosting worker protection, and broadening pathways for all to succeed. With you at the heart of our agenda, a stronger, more equitable, and more hopeful Bagong Pilipinas is well within reach,” aniya pa rin.
“Mabuhay ang mga manggagawang Pilipino!,” ang pagbati ng Pangulo ngayong Araw ng Paggawa. KRIS JOSE