Home NATIONWIDE 4 dinismiss, 7 sinibak sa kaso ng missing sabungeros

4 dinismiss, 7 sinibak sa kaso ng missing sabungeros

59
0

MANILA, Philippines — Muling iniutos ang pagsibak sa apat na pulis na sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero, kasama ang pitong iba pa, matapos silang mapatunayang administratibong mananagot sa hiwalay na reklamo ng umano’y kidnapping.

Ayon sa National Police Commission (Napolcom), napatunayang guilty ang 11 pulis sa dalawang bilang ng grave misconduct at dalawang bilang ng conduct unbecoming of a police officer.

“Given the gravity of the offenses… the Commission imposed the maximum penalty of dismissal from the service,” pahayag ng Napolcom.

Kabilang sa mga tinukoy na opisyal sina Police Lt. Col. Ryan Jay Orapa, Police Maj. Mark Phillip Almedilla, at iba pang miyembro ng NCRPO Drug Enforcement Unit.

Nauna nang kinasuhan at sinibak sina Orapa, Almedilla, Manrique at Muñoz kaugnay ng missing sabungeros case.

Sa bagong reklamo, inakusahan ang mga pulis na dumukot sa dalawang lalaki, sina Dane Mark Carlos, 28, at Charles Dean Sotto, 30, noong 2021, sa ilalim umano ng kunwaring anti-drug operations.

Binigyang-diin ng Napolcom na ang ginawa ng mga pulis ay nagdulot ng matinding dungis sa imahe ng PNP at nagpapakita ng kawalan ng integridad sa serbisyo publiko.

Ang kaso ay isinampa ng mga ina ng mga biktima matapos nilang madiskubre ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa hiwalay na sabungeros case.

Iginiit naman ng Napolcom na dumaan sa tamang proseso ang desisyon at hiwalay na sinuri ang bawat kaso batay sa ebidensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here