Home METRO Empleyado ng DPWH na tulak ng droga, tiklo

Empleyado ng DPWH na tulak ng droga, tiklo

66
0

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya -Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang empleyado ng Department of Public Works and Highway o DPWH na sumideline sa pagbebenta ng illegal na droga matapos mahuli sa buybust operation ng otoridad sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ni alyas Roldan, 35-anyos na suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na walong gramo at nagkakahalaga ng P54,000.

Ayon sa PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Nueva Vizcaya, itinuturing nilang high value individual ang suspek.

Depensa naman ng suspek, napag-utusan lamang siya ng kasamahan na mag-abot ng ilegal na droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VAELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here