Home METRO 4 na buwang buntis na negosyante kritikal sa pamamaril

4 na buwang buntis na negosyante kritikal sa pamamaril

104
0

MANILA, Philippines – KASALUKUYANG nasa kritikal na kondisyon ang isang negosyanyeng ginang na apat na buwang buntis nang pinagbabaril ng mga hindi nakikilalang riding in tandem, kagabi, Abril 30 sa Bucluran, Barangay Darasa, Tanauan City, Batangas.

Ang biktima na pansamantalang nilalapatan ng lunas sa Medical Healthway Center sanhi ng tinamong tama bala sa leeg ay kinilala sa Alyas Pauline, 32, may-asawa, businesswoman, tubong Abra de Ilog, Occidental Mindoro at naninirahan sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng Tanauan City Police Station sa pinangyarihan ng krimen dakong alas- 8:30 kagabi, habang ang biktima na abala sa bakery na pag-aari nito nang biglang paulanan ng tatlong putok ng baril ng isa sa dalawang gunman.

Samantalang, patuloy ang imbestigasyon at pagtugis ng mga awtoridad sa dalawang hindi nakikilalang suspek na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo na kulay itim na Honda Click, nakasuot ng itim na helmet at black T-shirt at patungo sa direksyon ng Sto Tomas City, Batangas. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here