Home NATIONWIDE PNP: Motibo sa pammaril sa EDSA-Timog posibleng may kinalaman sa negosyo

PNP: Motibo sa pammaril sa EDSA-Timog posibleng may kinalaman sa negosyo

108
0

MANILA, Philippines – Posibleng may kinalaman sa negosyo ang motibo sa nangyaring pamamaril sa EDSA corner Timog Avenue sa Quezon City, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Mayo 1.

“Ang motive na nakikita po natin ay nananatili sa business-related ang insidente,” sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño sa isang press briefing.

“Ngunit dahil nga po ang nasabing individual ay businessman ng iba’t ibang business, ina-identify na lang po kung ano yung specific business na kinabibilangan noong biktima yung may kinalaman sa pagpatay po sa kanya,” dagdag pa.

Ang isa sa mga biktima ay nagmamay-ari umano ng mga bar at small town lotteries.

Nagpapatuloy ang follow-up operations upang tuntunin at maaresto ang mga nasa likod nito.

Nakatanggap din ng impormasyon ang mga imbestigador na ang dalawang suspek ay nakunan ng video kasabay ng insidente.

Naganap ang insidente noong Martes ng hapon nang paputukan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang isang puting sasakyan na sakay ang dalawang biktima na tinukoy na 75-anyos na negosyante at 51-anyos nitong drayber. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here