Home HOME BANNER STORY Labor Day 2026 protests nananatiling mapayapa – PNP

Labor Day 2026 protests nananatiling mapayapa – PNP

98
0

MANILA, Philippines – Nananatiling mapayapa sa ngayon ang mga kilos-protesta sa bansa kaugnay ng pagdiriwang ng Labor Day, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Mayo 1.

Sa press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño na nakapagtala ang mga awtoridad ng 19 na insidente ng rally sa buong bansa at mayroong 4,000 kalahok.

“Maganda po ang naging kinalalabasan ng ating initial assessment sapagkat wala pong untoward incident tayo, as of this report,” aniya.

Sa kabila nito, napaulat na dalawang pulis ang nilapat ng first aid dahil sa nangyaring tensyon sa pagitan ng mga pulis at mga raliyista.

Sa kabuuang bilang naman ng mga rally, 17 ang nagpapatuloy pa rin habang dalawa ang natapos na.

Ang mga rally ay namonitor sa Metro Manila, Calabarzon, Central Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Negros Island Region (NIR), at Cordillera Administrative Region.

Sa Metro Manila, nasa 3,000 ang bilang ng mga raliyista.

Kabilang sa malalaking aktibidad na namonitor ay isinagawa sa España-Mendiola area kung saan nasa 1,000 ang lumahok dito.

Mayroon namang 800 lumahok sa rally sa Marikina.

Ayon sa PNP, karamihan sa mga kilos-protesta sa Metro Manila ay nagpatuloy nang walang permit.

Ipinakalat naman ang mahigit 106,000 pulis sa buong bansa para sa Labor Day kung saan 14,000 dito ang nasa Metro Manila.

Patuloy namang iginiit ni Tuaño na pagpapatupad ng “maximum tolerance” policy ng pulisya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here