MANILA, Philippines – KASABAY ng paggunita ngayong Araw ng Paggawa, muling nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magbibigay ng mas marami at mabuting hanapbuhay para sa mga filipino sa kabila ng economic pressures na kinahaharap ng bansa.
Sa isang kalatas, binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang mga manggagawang pinoy ay “drives the Philippines forward and keeps the world in motion,” kahit pa sumusulong ang ekonomiya at ang mga industriya ay nagtransfom.
“Today, we honor every member of our workforce whose hands carry the weight of our shared future—whether at sunrise, beneath the noonday heat, or in the long hours when the nation sleeps,” ayon sa Pangulo.
“Through your grit and sacrifice, families find stability, and the country finds strength. You are, and will always be, the backbone of our Republic,” aniya pa rin.
Nanawagan naman ang Pangulo sa bansa na tumulong na tuparin ang pangako na magtayo ng bansa kung saan ang ang pagsusumikap ay ginagantimpalaan at ang oportunidad ay totoo sa pamamagitan ng pangangalaga sa kapaligiran na gumagalang sa tapat na paggawa, pangalagaan ang kabuhayan at tiyakin na ang pag-unlad ay accessible sa ordinaryong pamilya.
“As we face changing economic pressures, rest assured that this administration stands firm in defending the dignity of every Filipino by creating more and better jobs, boosting worker protection, and broadening pathways for all to succeed,” ang winika ni Pangulong Marcos. KRIS JOSE