Home OPINION SANDIGANBAYAN VS IMPEACHMENT COURT

SANDIGANBAYAN VS IMPEACHMENT COURT

94
0

WALA bang pagkukulang ang ating mga batas o Konstitusyon sa pag­hahatid ng katarungan sa isang taong napatunayang nagkasala sa isang korte ngunit pinawalang-sala ng ibang korte sa iisa o parehong akusasyon?

Tayo’y nagtatanong kaugnay ng kasong impeachment sa Impeachment Court na nagdeklarang guilty si namayapang Chief Justice Renato Corona sa pagtatago o pagkakaroon ng “nakaw na yamang P134 milyon” noong Mayo 29, 2012.

Hindi umano inilista ni Corona sa kanyang Statement of Assets, Liabilities ang Networth ang nasabing mga salapi at ari-arian.

Dahil guilty, tinanggal si Corona sa pwesto at pinagbawalang magkaroon muli ng anomang posisyon sa pamahalaan.

Makalipas nito o noong Enero 30, 2023, idineklara naman ng Second Division ng Sandiganbayan na walang itinago o nakaw na yaman si Corona at napatunayan nito at ng kanyang pamilya at iba pa na pinaghirapan nilang ipundar ang nasabing kabuuang halaga sa anyo ng cash at ari-arian sa loob ng mahabang panahon.

Sinabi pa ng Sandiganbayan na hindi dapat ginagamit ang SALN na “weapon for political vendetta”. Pero roon sa desisyon ng Impeachment Court na nagbawal kay Corona na muling bumalik sa anomang pwesto sa pamahalaan interesado ang Lupa’t Langit.

Ang ugat ng pagkakatanggal kay Corona bi­lang Chief Justice sa Impeachment Court ay pagtatago o nakaw na yaman na taliwas naman sa naging desisyon ng Sandiganbayan sa forfeiture case o pagbawi ng nasabing itinago o nakaw na yaman.

Ang masakit, nanatili ang parusang pagba­bawal kay Corona na makabalik sa anomang pwes­to sa gobyerno kahit na sa huli, eh, napatu­nayang kabaligtaran ang katotohanan ukol sa ugat ng kanyang kaso.

Hindi kaya napakalaking ka­walan ng katarungan ito, mga Bro? Tanong: Hindi kaya magi­ging ganito ang hahantungan ng kasong kinahaharap ngayon ni Vice President Sara Duterte?

Kung mangyari ito, hindi ka­ya magiging napakalaking pambababoy ito sa katotohanan at katarungan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here