MANILA, Philippines – Makakaapekto sa bansa ngayong Linggo, Mayo 3 ang easterlies.
Ayon sa PAGASA, ang Visayas, Mindanao, Sorsogon, Masbate, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa easterlies. RNT/JGC