MANILA, Philippines – Posible ang mapanganib na lebel ng heat index sa 14 na lugar ngayong araw ng Linggo, Mayo 3, at limang lugar na aabot sa 43 degrees Celsius.
Ang “danger” category ng heat index ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Association (Pagasa), ay mula 42°C hanggang 51°C at ang 33°C hanggang 41°C ay nasa ilalim naman ng “extreme caution.”
Sa Metro Manila, posible ang 40°C na heat index sa Quezon City habang 42°C naman ang inaasahan sa Pasay City.
Samantala, narito naman ang mga lugar na nasa ilalim ng mapanganib na kategorya ng heat index na maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion at posibilidad ng heat stroke sa matagal na exposure sa init ng araw:
43°C
Laoag City, Ilocos Norte
Dagupan City, Pangasinan
Bacnotan, La Union
Aparri, Cagayan
Tuguegarao City, Cagayan
42°C
NAIA, Pasay City, Metro Manila
Cubi Point, Subic Bay Olongapo City
TAU Camiling, Tarlac
Sangley Point, Cavite City, Cavite
Infanta, Quezon
Cuyo, Palawan
CBSUA-Pili, Camarines Sur
Dumangas, Iloilo
La Granja, La Carlota, Negros Occidental /apl
RNT/JGC






