Home NATIONWIDE PCG tumugon sa insidente ng pagkalunod sa La Union

PCG tumugon sa insidente ng pagkalunod sa La Union

71
0

MANILA, Philippines – Tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang insidente ng muntikang pagkalunod sa Eco Park, Agoo, La Union.

Ayon sa PCG, nataon na naka-off duty na si Senior Chief Petty Officer (SCPO) Aldrine Cordero pero siya ay nagpakita ng kahanga-hangang pagbabantay at pagiging alerto matapos mapansin ang kaguluhan malapit sa baybayin.

Agad siyang nakipag-ugnayan sa mga bystander upang humingi ng emergency assistance, na nagresulta sa mabilis at maayos na pagtugon.

Ginamit ni SCPO Cordero ang kanyang pagsasanay at kaalaman sa pagbibigay ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) sa walang malay na bata, na malaki ang naitulong para ito ay manumbalik ang kaligtasan ng biktima.

Dumating ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at agad na dinala ang bata sa malapit na ospital, kung saan bumalik ang malay ng pasyente at na-stabilize.

Ang matagumpay na pagtugon ay nagpapakita ng matibay na dedikasyon ng PCG sa kaligtasan ng publiko at ng kahandaan ng kanilang mga tauhan na tumugon sa mga emerhensiya anumang oras, kahit pa sila ay naka-off duty. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here