Home METRO Food vendor, nabisto sa dalang droga; P340K shabu, nasamsam

Food vendor, nabisto sa dalang droga; P340K shabu, nasamsam

55
0

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang 22-anyos na food vendor nang mabisto ang dalang mahigit P340,000 halaga ng shabu sa Caloocan City.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa Art. 151 of RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “Apol”, 22, ng Masikip St., Brgy., 146.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Derictor P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa North Diversion Road, Brgy., 154 dakong alas-2:30 ng madaling araw nang mapansin nila ang suspek na naglalakad sa lugar.

Nilapitan nila ang suspek para sa beripikasyon sa pag-aakalang menor-de-edad ito dahil sa pisikal nitong anyo at nang hanapan nila ng identification card ay wala itong naipakita at tila hindi ito mapakali.

Nang hilingin ng mga pulis na ipakita ang laman ng kanyang bag ay ipinakita naman umano ni alyas Apol at bumungad sa kanila ang hininalang illegal na droga kung kaya tumakbo ang suspek para tumakas.

Hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner at nakumpiska sa kanya ang isang knot tied transparent plastic na naglalaman ng humigi’t kumulang 50.45 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P343,060. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here