Home NATIONWIDE Bagong Urdaneta bishop pinangalanan ni Pope Leo XIV

Bagong Urdaneta bishop pinangalanan ni Pope Leo XIV

76
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pope Leo XIV si Fr. Nick Vaquilar ng Archdiocese of Nueva Segovia bilang bagong Obispo ng Diocese of Urdaneta, kasunod ng pagbibitiw ni Bishop Jacinto Jose.

Ginawa ni Archbishop Charles Brown, apostolic nuncio sa Pilipinas, ang anunsyo nitong Linggo, kasabay ng ika-56 na kaarawan ni Vaquilar.

Si Vaquilar, na tubong Cabugao, Ilocos Sur, ay nag-aral ng pilosopiya sa San Pablo Major Seminary sa Baguio City at ng teolohiya sa Immaculate Conception School of Theology (ICST) sa Vigan City.

Naordinahan siya bilang pari noong Mayo 5, 1997 at naglingkod sa mga parokya bago naging guro sa ICST.

Mula 2001 hanggang 2004, kumuha siya ng licentiate sa biblical theology sa Pontifical Gregorian University sa Roma.

Pagbalik niya sa Pilipinas, itinuloy niya ang pagtuturo sa ICST at naging seminary procurator, vice rector, at presidente ng Priests’ Assembly ng Archdiocese of Nueva Segovia.

Noong 2016, nagtapos siya ng doctorate sa sacred theology, na may espesyalisasyon sa biblical theology, sa Loyola School of Theology sa Ateneo de Manila University.

Bago ang kanyang pagtatalaga bilang obispo, si Vaquilar ay nagsilbi bilang rector ng ICST at pinuno ng Commission on Biblical Apostolate at Commission on Seminaries ng archdiocese.

Malugod na tinanggap ng Diocese of Urdaneta ang kanyang pagtatalaga.

Pinapurihan din ng diocese si Bishop Jacinto Jose para sa higit 20 taon niyang paglilingkod bilang kanilang obispo. Si Jose, na naging ikatlong obispo ng Diocese of Urdaneta mula Disyembre 2005, ay nagretiro sa edad na 75 noong Oktubre 2025.

Sa CBCP, nagsilbi rin siya bilang chairman ng Episcopal Commission on Canon Law. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here